Kung lilisanin mo ako

by  wild yellow flower
Rate this item
(0 votes)

 

 

Yung gigising ka sa umaga,

Pangalan nya agad yung nakikita.

Nakalimutan mong mg ayos bago lumabas,

Kasi andun sya, hinihintay ka.

Bitbit ang mainit na pandesal sa umaaga,

Pakiramdam mo, buong buhay mo na syang mahalaga.

 

Ano nga bang meron sya at pumasa sayo?

Siya pa talaga sa lahat lahat ng gustong tumalo.

Ano nga bang alam mo?

Ni sa wari, siya pa rin iniisip mo.

 

Ganito ba dapat ang pag-ibig?

Alam mong hindi pwede,

Pero my rason ka parin at nagiging depende.

Sino ba talaga yung tama?

Kaninong batas ba ang isasagawa?

 

Kung minsan ang hirap din ipaliwanag,

Naninikip at sasabog na sa alapaap,

Yung tipong gustong gusto mo ng sabihin,

Pero alam mong sakit lang ang babalik na didiin.

 

Mabuti na din sigurong alam mo na sa umpisa pa lang,

Para di ka na aasa kahit pa mahal na mahal mo sya,

Kahit pa sadyang alam mong

hindi kana magmahal ng ganito kahit kanino pa.

Ano nga bang meron sya't mahal na mahal mo sya?

 

Nung dumating ka'y nagsilbing gamot,

Sa lahat ng pasakit kong umiikot,

Tinuruan mong bumigay ang puso kong maramot,

Sa lahat lahat, ikaw pag-ibig ang naging sagot.

 

Binago mo na ako,

Nakalimutan ko na paano maging ako,

Kung paano maging masaya kahit mag isa lang ako.

Nagdurugo mn ang puso ko,

Ikaw at ikaw pa rin ang tinitibok nito.

Read 509 times
Login to post comments