Saan Ako Pupulutin

Written by 
Rate this item
(0 votes)

Sana bukas pag gising ko ay umagang kasama ka,

Yung araw na alam kong hindi sayang kasi andun ka,

Yung buong maghapon na nag uusap lang tayo,

Di natin namamalayan, may sarili na tayong mundo.

 

Alam mo ba yung pakiramdam na makita ka ulit?

Tipong parang ilang taon hindi nagkita,

Tapus ayun, isang hapon,

Ginawa mong pag asa ang aking kahapon

 

Eto na naman ako, umaasa.

Tatanga tanga nanaman sa chansa.

Meron ba talaga?

Ubos na yung bala kong ikakasa.

 

Kailanman siguroy hindi magiging sapat,

Yung pag ibig ko sayong ibibigay ang lahat,

Hindi na siguro tanong kung may pag asang maging tayo,

Hindi rin naman ako kailanman magiging sapat sayo.

 

Sana lang makalimutan kita,

Makalimutan kong minahal, hindi, minamahal kita.

Ayaw ko nang danasin ang kakarampot mong pag tingin,

Ayaw kong maiwan pagkatapos natin mag sipin.

Nanliliit ako, Nanliliit na ako.

 

Ayaw ko na. Ayaw ko na..

Sana sapat na yung katangahan kong inalay sayo,

Dahil kung mgpapakatanga pa ako,

Wala nang matitira sa sarili ko.

Matapos kong maibigay sayo ang lahat ko,

Walang wala na ako,

Puso't kaluluwa ko'y

 

Durog na durog na ang pagkatao ko.

Read 722 times
Login to post comments